10.10.09

Philippine Blog Awards 2009!


manik makina @ philippine blog awards 2009 from reigun decena on Vimeo.

Presenting the Finalists for Best Humor Blog Category at the Philippine Blog Awards Night 2009. My blog:Manik Makina was among the finalists, and notice the dead air silence when my blog is mentioned. Lol.

I did not expect to win, but it's great to be among the finalists. Congratulations to all the winners!

October 9, 2009. "Ive got a feeling, that tonight's gonna be a good night..."

Oo, yan ang LSS ko lately twing may happening sa buhay ko na kakaiba, (at kapag sa gabi ang lakad). Muntik pang maudlot dahil sa mga kaganapan netong mga huling nagdaang bagyo. Pero, nairaos din. Hila-hila ko ang partner in crime ko na si russee, ay sinugod namin ang PETA-PHINMA Theater sa may New Manila(likod ng QC Sports Complex, malapit sa St. Lukes.) At hanggang ngayon, may hangover pa rin ako. ohyeah.

Asteeg!

Una, ang saya ng pakiramdam ko. Dahil sa October 10, 2009 ay mag 6 months na ang manik makina blog, at nakarating na ito sa Philippine Blog Awards. Mula sa maging isa sa mga nominee, hanggang umabot ng finals. aba'y ayows! Napasama ang manik makina sa humor category, na kung saan ay "punch in the moon" ang manalo, kung saan andun ang "tunaynalalake (Hay!Men!)", "good times manila", "the professional heckler", atbp... mga heavyweights eh! kaya mapasama lang sa listahang ito, feeling pogi nako. lol.

Prom? Graduation?

Ngayon lang ako nakaatend ng awards night. Para siyang graduation, pero sa gabi ginagawa. Parang prom, pero walang sayaw at dika mahihiya kapag wala kang ka date. At syempre, iba-iba ang kasuotan ng mga tao. At ang mas malupit pa bakit mas ok to sa graduation, may pagkaen! wait, MASARAP na pagkain! Ang saraaap ng chow nila, catering talaga. From pasta, to pastries, to cheese fondue! (sorry sa sarap ng paglamon ko, di na ko nakakuha pa ng time para magphoto ng mga handa, hihi). Party talaga!

Pero tahimik lang kami ni russee. Observers lang kami. Bulong dito, bulong doon. Ay, dumating si ano. Ay, sino kaya yung blogger ng ano? Ay, eto pala yung emcee. Ay, teka, bakit bukas zipper ko?

Pero nung magstart na yung event..(sabi 6 start, pero past 8 na..grr the filipino time), magkaiba kami ng upuan ni russee. Sa taas niya, ala orchestra section, at akoy nasa ibaba, kasama ng mga iba pang finalists. Para akong transferee sa ibang school. Dahil sa loob ng 3 taon ng PBA, parang everybody knows everybody. wow. Apir sila dito, yakap doon, papicture sila, group hug, kambyo don.

Kaya, tahimik lang ako at nagtetext kunwari.

The Live Show

Ipinalabas ito live via flippish.com *at buti nakaabot yung family ko by the time na best humor category na, lol*

Ang isa sa mga emcee ay si Erika Tapalla, na isa ring blogger/model. And ang pinaka host ng gabing iyon ay si RJ Ledesma. Astig! Ang kulit niya, at di biro ang mga banat niya, ang galing.

Though di masyadong organized yung flow ng event, ok lang dahil kahit papano, nairaos din ika nga. Though maraming mga winners ang absent, (sana sa mga present na lang ibinigay, hehe), ay okay pa rin, dahil mga deserving naman ang mga ito.

Isa sa mga fave kong part ay yung speech ni Gang Badoy, president ng Rock Ed Phil. Kung saan tinukoy niya ang responsibilidad, at kakayahan ng mga pinoy bloggers na maging boses, at maging simula ng aksyon sa mga pagbabago, kung saan tayo ay sumasagot sa hamon ng panahon. Ipinunto niya ang naging papel ng mga pinoy sa internet nuong kasagsagan ng bagyong Ondoy, sa tulong ng blogs, twitter, facebook, etc. At ngayong nanalasa rin ang bagyong Pepeng, mas lalong kailangan ng tulong nating lahat.

Iba-iba man ng opinyon, nagkakaisa pa rin ang mga bloggers, na sakto sa tema ng PBA 2009:"One Blogging Nation."

Gayundin ang mensahe ng president ng Phil. Bloggers Inc., na si Mr. Sunido. Na sa mga panahong ito, magtulungan tayo, at wag magkibit balikat.

Andun din syempre yung mga malulupit na mga bloggers, na part ng organizing committee, pati na rin yung mga judges, at syempre kasama yung mga tulad nila mlq3!woot!

Hollywood?

Bago pa nagstart ang event, eto ang nangyari:

reigun: may naisip ako
russee: ano yun?
reigun: alam kong imposible, pero natatakot ako.
russee: ok lang yan.,,
reigun: hindi, natatakot akong manalo. pero may naisip na akong speech..
russee: prepared ka? ano sasabihin mo?
reigun: iniisip ko: "tenkyu for the award, but i wont accept it. thanks"
russee: nyeh! di ba parang nakakabastos yun? youve got a chance, bago ka, youve got edge.
reigun: pero i wont even vote for me! either tunaynalalake, good times, o the professional heckler yan.
russee: ok lang yun. accept mo pa rin, and say something witty.
reigun: onga eh, ineexpect kong lumabas na si kanye agad. im so taylor swift!

well actually, kumbaga sa NBA, ako'y isang bangkong player sa bano na team, at kalaban ko sila Lebron James at Kobe Bryant.
kumbaga sa PBA, akoy taga team B, at kalaban ko sila James Yap, Gabe Norwood.
kumbaga sa Pinoy Movies, ako yung mga nameless extras laban kina papa John Lloyd at Christopher de Leon.
kumbaga sa Hollywood, ako yung supporting actor sa indie film, laban kina Johnny Depp at Brad Pitt.

So, ganun ang feeling. Pero masayang masaya ako na hindi ako nanalo, pramis. Hindi ako bitter no. (defensive?)haha

Sa mga bumoto sa akin, namely:

traveliztera
chikletz
krissy
minnie madz


(at sa iba pa na diko nalaman pa, at syempre sa mga sumuporta, maraming maraming salamat!)
at bilang pangako ko na per boto ay magbibigay ako ng relief pack such as dry clothes, towels, slippers, shoes sa mga nasalanta ng bagyo c/o rock ed, ay nakaipon ako with help from my friends ng 30+ pieces of clothing, towels, and shoes.
It may not be much, pero super malaking tulong na ito. and this wont be the last. again, maraming salamat!

the after party

May after party ba sa PBA 2009 awards night? di ko alam. dahil pagkatapos ay umalis na kami. Saan pumunta? Sa after party with my family! Isinabay na ang party bilang despedida ni Kuya Jason, na babalik ng Indonesia, (maski ayaw na ayaw na nya), at naghanda sila para sa pagiging finalist ko!cheesy!hehe.

Ang saya at ang sarap sa pakiramdam na fans ko na rin ang family ko. At masaya akong nalaman na nabasa na rin ng nanay ko ang ginawa ko para sa kanya (eto link), at siya'y naluha sa tuwa.

at marinig ko lang sa kanila na "keep on blogging! panalo ka pa rin para sa amin."

wow. asteg.

i couldnt ask for more. ^^

1 comment

  1. The after party is very decent blog, I like it so much, due the amazing stuff that his owner post every week.

    ReplyDelete

© The GZT. | All rights reserved.
BLOG TEMPLATE HANDCRAFTED BY pipdig