📌

📌

11.12.09

The boxing experience (part 1)

Project BeatBOX.

11:30 AM. December 10. Huwebes.

Sakto lang ang panahon, di masyadong mainit maski maaraw, sapat lang ang paminsan-minsang pagkulimlim para mabawasan ang kainitan. Masarap din ang bahagyang pag-ihip ng hangin, presko sa pakiramdam.



Dumeretso na sa loob ng C.R. na itinuro ng mama para doon ay magpalit ng damit at maghanda na. Di bagay ang maong pants. Di rin bagay ang masikip na t-shirt. At hindi rin magandang ideya ang may gel sa buhok.
Sabay suot ng shorts. Magaan na t-shirt. Hinigpitan ang sintas ng rubber shoes. Lumagok ng konting tubig. Konting hilamos. At isang mahinang "Bahala na" habang palabas ng C.R.

Larry

"Ser, ako po si Larry, ang trainer nyo. May gamit na kayo? Yung glabs at handwraps?"

Maliit lang si Larry. Siguro ay mga 5'5 lang ang taas. Mga nasa 30's na ang edad. Sakto lang ang katawan para sa kanya. Halatang galing siyang sa Katimugan na probinsya dahil sa matigas at mala-bisaya nyang pananalita.

Nilabas ko na ang mga bago kong biling gamit. Kulay asul ang pares ng handwraps. Kulay asul din ang pares ng boxing gloves ko. Maliit lang ang gym. Kaya kitang kita na ako lang ang baguhan dun sa mga mangilan-ngilan na taong andoon sa loob.

Binalot na ni Larry ang kamay ko ng handwraps, una sa kanan, pagkatapos ay sa kaliwa. Kala ko ay ayos lang ang pakiramdam ng nakabalot ang kamay. Hindi pala.

"Ser, dito tayo. Stretchings tayo. Taas kamay...wan..tu..tree..por..."

Nakaharap ako sa salamin. Hindi ako nagsasalita. Pero ang nasa isip ko: *Sa wakas makakapag exercise na rin ako. Ang tagal ko nang bum at tambay lang sa bahay. Maiba naman.*

Pagkatapos ng stretchings ay pinatakbo na ako sa paligid ng nagiisang boxing ring dun. Umakyat muna si Larry para magpalit ng pang training. Ako naman eh ayos lang magjogging ng ilang ulit. (di ko na matandaan ang huling pagkakataon na nagjogging ako. P.E. pa ata nung college ako.)

Di ko binilang kung nakailang ikot ako at kung gano ako katagal tumakbo para di agad mastress ang utak ko. Hinintay kong bumaba si Larry. Pero sa tingin ko ay halos 3-5 minuto din ang tinakbo ko.

The Slow-Speedball

Eto na.

"Ser, dito tayo sa speedball. Bale suntok-suntokin nyo lang ng ganto, paulit-ulit."

Ba-BAG-Ba-BAG-Ba-BAG-Ba-BAG-Ba-BAG-Ba-BAG...

Di ganun kabilisan ang sinampol ni Larry, pero sakto ang timing nya. Shit. Hand-Eye coordination. At kung nakasuot pa nga ang salamin ko na lagpas 200 ang grado ay naduduling pa ako, paano pa kaya na wala akong suot na contact lens?

Pero ayos lang, sabi ko sa sarili ko. Mukhang eto naman ang basic kaya eto ang una. Kaya mukhang kaya ko naman to.

Sinukat ko ang kamay at braso ko. Iniisip ang tyempo, ang ritmo, ang pattern..

Ba...bag...ba...bagba...bag...ba....bag...

Teka. Wala sa tyempo. Shit. Isa pa.

ba...bagbabag...ba...bagbagba....ba.....ba...

Teka. May mali talaga eh...

"Ser, dahan-dahan lang. Relaks mo siko mo. Tapos wag mo masyado ibaba ang kamay mo. Dapat stedi lang."

Hmm..mukhang madali lang sinasabi ni Larry eh..Isa pa..

Bag...ba...bag...ba...bag...ba...bag...

*Punyeta! Tama nga ang pattern ko. pero SPEEDBALL ang tawag dito. hindi SLOWBALL!argh!*

Puputok na ata ang ugat ko kakaisip kung paano ba masolve ang riddle ng speedball.

At mukhang napansin na rin ng trainer ang pagtatae ko sa hirap.

"ser, sige mamaya muna yan. Suot muna tayo glabs, tapos basic-basic tayo."

Hay salamat. Makakaligtas muna ako sa kakahiyan ng speedball. Makasuntok muna.

JABSTREYTJABSTREYT

Masarap ang pakiramdam ng glabs...este gloves sa kamay. Sakto lang ang sukat.

Nagsuot na si Larry ng mits. Touch gloves na kami.

Tinuruan nya ako ng basic stance. At basic jabs, straight, hook, uppercut. Combinations ang pinagawa nya saken.

"Jab-streyt...jab-streyt...apper...apper...jab..jabstreyt..hook...apper...jabstreytjab..."

Nakakasunod naman ako.

Pero. Pero nananakit na ang kanang kamay ko. May mali ata akong suntok nung nagbigay ako ng pa-hook. Parang napilipit. Kada suntok ng kanan, humihina. Ramdam ni Larry. Kaya sinasabi nya:"Sige pa!Sige pa!"

"Medyo masakit na yung kanan ko." ang angal ko. Napatingin ako sa salamin at kita ko ang sarili ko na naliligo na sa pawis at latang-lata na ang katawan.

"Sige ser, taymawt muna. Pag twing tumutunog yung bell, pahinga tayo ebri terti siconds."

Ang sarap pakinggan kay Larry nung PAHINGA.

Hinubad nya ang gloves at pinapahinga ang kamay ko.

Maya-maya, pinasuot ulit ang gloves. Pagkatapos ng ilang sets ng mga jabstreythookapper, dinala nya ako sa malaking body bag.

Southpaw ala Pacquiao

Suntokin ko lang daw yung bag tulad ng parang tinuro nya sa mits, pero yung bag naman ang tatamaan ko. Nagustuhan ko yun.

Dumating na ang iba pang mas malupit na trainee ni Larry (ang isa ay babae na super lupit na kumilos. Ang isa naman ay isang malaking lalake, halos 250 pounds, na parang Mixed Martial Arts naman ang forte).

Habang andun siya ay nasa bag lang ako. Pero makirot talaga ang kanang kamay ko. Pero di pa ako masyadong pagod at gusto ko pa. Ang ginawa ko, nag southpaw ako.

Ginamit ko naman ang kaliwa ko pang-streyt.

Komportable ako. jabstreythookapper pa rin ang ginagawa ko. Di naman nagbago ang lakas at bilis ng galaw ko.

Lumapit si Larry.

"Ayan, marunong ka rin pala sa kaliwa, di mo agad sinabi. Sige nga..jabstreyt...AYUN! jabstreytapper....YAN! jabstreyt..hook...jabstreyt..apper rayt..apper lep...YAN!"

Natatawa ako na natutuwa sa reaksyon ni Larry. Parang sinasabi nya na "AYNAKO SAWAKAS TUMINO RIN ANG PORMA NG MGA SUNTOK NETO!"

Naisip ko, di rin pala talaga madali ang buhay ni Manny Pacquiao, mga boxers, mga trainers.

Wala pang isang oras ay todo-sakit at pahirap na ang naranasan ko, ano pa sila?!


***itutuloy...(kung kaya pa ng katawang lupa ko.)

No comments

Post a Comment

© The GZT. | All rights reserved.
BLOG TEMPLATE HANDCRAFTED BY pipdig