yes. The PROJECT: Queen Beatles.
it's not a movie. it's not a new indie band. it's not a video game.
and it has nothing directly related to the BEATLES.
pero ito ang isa sa mga pinakarason ng aking "hiatus" (na unti-unti nang nagiging "pseudo hiatus").
im very stressed about this project queen beatles.
so, ano yung project na yun? di ko muna ibabahagi sa inyo mga katoto. medyo hilaw pa ang balita at baka makuryente lang kayo sa chismax ko. dont worry, di ito raket o modus operandi. at di rin naman ito pera ang usapin, so wag kayo masyado maexcite.
pero matinding stress talaga ang idinudulot nito sa inyong abang lingkod.
so kaninang 10am, nagpunta ako ng makati para sa isang BIGTIME interview. oo as in BIGTIME na pwedeng maging BIGFAIL.
==================
panu nagsimula ang stressful day?
left home at 9 AM.
sumakay ng tricycle.
sumakay ng jeep.
sumakay ng bus sa EDSA.
sumakay ng MRT North Ave hanggang Buendia St.
sumakay ulit ng jeep at bumaba na sa building.
kulang na lang ay pedicab ni mar roxas at kumpleto na ang checklist ko ng land vehicles.
lahat na ng klase amoy ng tao eh naamoy ko na. at lahat ng klase ng pollution ay nasagap ko na.
pweh.
10 AM ang interview.
11:30 AM na ata ako nakalabas. pero parang buong araw ang itinagal ko dun. shet.
abangan ko na lang daw ang resulta sa pamamagitan ng tawag sa selpon. kung pass o fail. shet, BIGFAIL na ata tong BIGTIME interview. ampf.
pero habang nagmumuni-muni, naalala kong marami pa pala akong papeles na kukumpletuhin "just in case" na ang BIG interview ay maging BIGJOKE aka BIG PASS.
===============
so sakay ako ng bus byaheng Quiapo. Bakit? Agenda: NBI Clearance Renewal & PRC Board Rating Certification.
At salamat sa trapiko, lunch time na ako nakarating, lagpas 12:30 PM.
para wag magalit ang kumakalam na tyan ay nagtungo ako at lumapang ng Chowking Lauriat Meal. sakto alas-1 ng hapon ay umakyat na ako sa NBI Center (not ampatuan's lair). Ito ay matatagpuan sa Carriedo St. malapit sa mismong Quiapo Church.
pero pero pero.
isang malaking challenge ang paglalakbay along Carriedo. Dahil sa pasko, ay nagkalat ang mga tindero sa kalsada at bangketa, na mismong mga tao eh hirap na sa paglalakad. (Hello mayor Lim, order po, ktnxbye)
Siksik kung siksik. Ayaw pumalag ng karagatan ng mga katawang-lupa sa makupad na paggalaw laban sa mga tindero at tindera na tila nakasemento ang mga paanan sa gitna ng kalsada.
==================
1:15 PM ay nakaakyat na ako sa NBI.
Mabilis lang ang proseso talaga sa hapon.
nasubukan ko na ang pumunta ng umaga, at susko po. parang may show ang wowowee sa dami ng taong nakapila.
kaya para iwas hassle at dami ng tao, after lunch talaga.
anyhow inihaw, mabilis lang ang proseso, bago mag 2 PM ay tapos na ako.
Problem: Monday pa makukuha ang form, at sa opisina sa Grand Central Caloocan na raw ito makukuha dahil lilipat na raw sila ng pwesto. aysus.
Habang nagmumura sa sarili sa hassle. sumakay na ako ng jeep pa morayta para pumunta sa Professional Regulatory Commission (tama ba?) para kumuha ng Board Rating. (oo pumasa ako, at di yun galing sa Recto Inc.!hehe)
alas 2 ay nandun na ako. at tulad nga ng "afterlunch" theory, ay mas konti ang tao.
pero kung sa nbi walang rush, dito ay mayroon. ang dating 75 pesos per copy, ay magiging 200 pesos.
mula sa ilang araw na resulta ng kopya, ay isang oras lang ang iintayin ko at makukuha ko na ang certificate.
tanong: eh bakit di nalang gawing express lahat at medyo babaan ang presyo?
sagot: ASA PA!
sa loob ng isang oras, binalikan ko at voila! nakita ko na naman ang malulupit kong grado noong 2006 board exams. Na naletse nung bagyo yung orig copy, ngayo'y ok na ulit.
=================
all these things for The PROJECT: Queen Beatles.
it's sucking the life out of me.
seriously.
=============
p.s.
habang nagmumuni-muni sa mga pila at sa mga gitna ng mga umaatikabong pagbyahe, naisip kong "Gawa kaya kami ng book compilation ng mga blogger friends ko?"
at mukhang gusto ko yun gawin. sa mga interesado, tara, pagisipan natin kung paano!
apir!
No comments
Post a Comment