📌

📌

11.5.10

My Top Ten Thoughts on Elections 2010.

My Top Ten Thoughts on Elections 2010.

10. Mas epektib ang mga artista (i.e. Kris Aquino, Erap, Bong Revilla, Bistek) kesa sa pera ng nagpapanggap na mahirap (i.e. Villar).

9. At maski null and void ka, may boboto pa rin sayo (i.e. Acosta).

8. Maski ilang milyong piso ang gastusin mo sa pagkampanya, kapag malakas ang intriga, yari ka.

7. Hi-tech at automated man, di naman hi-tech ang proseso ng botohan. Good job for a first time, pero there's a lot of room for improvement.

6. Kapag mabilis ang bilangan at resulta via hi-tech ways, mas nawawala ang pagduda sa resulta. At bumabalik na ang dignity at cleanliness ng election. (Nag-iisip na ang mga mandaraya for the next "Dagdag-bawas 2.0" )

5. Maski talunan, dapat smile pa rin sa huli. Dahil nagdesisyon na ang taumbayan. Kudos to those who gracefully accepted defeat and proposed support for the winning candidate. Bayan muna, bago ang sarili. (We're still waiting Jamby.)

4. Maski hind ka tumatakbo, may magagawa ka sa eleksyon. May mga bumalimbing, may mga nanira. Pero si Sen. Chiz Escudero, nagpasimuno ng "Noy-Bi" movement. At pag nagkataong manalo nga pareho, ay nakatulong siyang magimpluwensiya ng taong bayan. (traits of a good presidentiable?!hmm)

3. At kahit pa anong mangyari, talagang di matitinag ang network wars pagdating sa election coverage. Daig pa ang mga mainit na bakbakan sa politika. Daig pa ang gera. Boom!

2. Ngayong natapos na ang eleksyon, di dito natatapos ang tungkulin natin. Tandaan na huwag iasa ang lahat sa mga nahalal na pinuno. Magsimula na tayong magbago. Tama na ang mga reklamo, patutsada at mga kuro-kuro. Lets grow up Philippines. Rakenrowl!

Philippines - Flag Scarf
Pilipinas Muna
1. Dear President, to make things easier, "hire" some of your former rivals to your cabinet. I'm sure you'll find them highly qualified for certain posts. Hitting two birds in one stone: Getting the job done+Unity. Just ask Obama when he invited Hillary to his admin. (okay, i said SOME rivals) ;p

No comments

Post a Comment

© The GZT. | All rights reserved.
BLOG TEMPLATE HANDCRAFTED BY pipdig