18.6.10

The "Mam/Sir" Conundrum Po

projectqueenbeatles: 2 weeks+1 day.

Malamig ngayon dito sa Harlow, Essex. (Oo, alam ko, syempre nasa England ako ngayon, etc.) Pero ibig kong sabihin, summer season ngayon. Pero maulan ang weather forecast for the weekend. Ang temperature ngayon ay umaabot ng mga 8-14 degrees Celsius. Masarap ang tama ng sikat ng araw dito, di masyadong mainit di tulad pag nasa Maynila. Parang Baguio ang klima ngayon dito. Pero pag tumama talaga ang malamig na hangin, saktong nginig ang aabutin.

Pero syempre, nakakatuwang isipin na lamig na lamig kaming mga bagitong mga Pinoy dito. Samantalang nung namasyal kami sa shops at park ng Chelmsford, eh may mga lalakeng naglalakad na nakahubad ang mga t-shirt! (i.e. mamang tambay sa kanto, ganun). At ang mga babae naman, paiklian talaga ng mga damit, at yung iba, talagang naka-sunbathing sa damuhan, at naka-two piece lang.

Bihira nga naman kasing umaraw dito, kaya di nila pinapalampas. Samantalang kami ay nababanas kapag mataas na ulit ang sikat ng araw.

Subukan nilang tumambay ng Pilipinas. Para matupad ang pangarap nilang maging tan ang mga balat, na mamula-mula pa.

Napakarami ko sanang gustong ikwento tungkol dito sa pagtira ko sa UK. Sa sobrang dami, di ko alam kung saan ako magsisimula.

Yung parang pakiramdam ng isang "Promdi" sa siyudad, ganun ang drama ko dito. Nakakamangha. At syempre, ang mga Pinoy, di papahuli sa pagkuha ng mga pictures para me maiupload sa facebook!

Subukan ko na lang ilagay ang mga ilang ideya ko dito, mga maliliit, at mga minsan eh tila walang kwenta, pero talagang kapuna-puna para sakin na isang promdi, Promdipilipinas~!

Pero bago ang lahat, eto muna.
=========================

The "Mam/Sir" Conundrum po.

Alam nating lahat na ang mga Pinoy ay talagang likas na magalang. Tinuruan tayo pano magsabi ng "Po", at "Opo". Marami tayong mga tawag sa ating mga nakakatanda lalo na sa pamilya, at sa iba't-ibang mga dialect pa.
Mayroong:

Tatay
Nanay
Ate
Kuya
Tito
Tita
Lolo
Lola
Manong

At sa mga di naman natin mga kaano-ano, bukod sa "Po" at "Opo", ay di matatanggal ang pagtawag sa kanila ng "Mam" o "Sir". Oo nakakatawa mang pakinggan na tila para sa mga bumabati lang na mga Security Guard sa pinto ang paggamit nito, pero kahit sino sa atin ay ginagamit ito. Lalo na sa paaralan, trabaho, atbp.

Kaya naman, pagdating namin dito, alam na namin na ang mga Briton ay may "First Name basis". Ayaw nila magpatawag ng "Sir" dahil di naman daw sila naparangalan ng Reyna. Gusto nila magpatawag ng kung anu man pangalan nila.

Richard. Bob. Betty. Sue. Ke anong edad, yun ang tawagan nila.

Mahirap ito para sa tulad ko na magtatrabaho bilang nurse. Lahat ay automatic na Ser/Mam. Lalo na sa mga mas naunang kong makakasama sa work. Sa mga pasyente, sa mga relative nila, sa lahat.

Pero ganun ang kultura nila.

Kaya ineexplain namin minsan na, ganun talaga ang ugaling Pinoy. Magalang. Lalo na sa mga nakakatanda, kamaganak man, o hindi.

At may mga ilan ring kaming mga nakausap na natutuwa talaga sa ugaling Pinoy na yan.

"I think that's lovely indeed. To call your folks with terms of endearment, instead of first names. I used to call my mother-in-law "mum", until now. But now, my daughters call me by my name. For me, it's okay. But way back, it wasn't like that. I don't know what happened really. But it would be great like you guys that you'd show courtesy and respect for your elderly people."

Yan ang sabi ng isa sa mga nurse instructor namin sa lecture.

Ang turo nila, tanungin muna sa tao kung ano ang gustong itawag sa kanya. At wag mag-assume agad na ayos lang na first name agad ang itawag sa kanila. Kung first name man, ayos lang. At least, may permiso.

Ang sarap pakinggan na may mga dayuhan na napupuna ang kagandahan ng pagiging Pinoy natin.

Kung pwede ko lang sabihin na, "It's a lovely day in England po!"

5 comments

  1. Huwaaaaw! Nasa UK ka pla now...dream ko makapunta jan! hehehe...mahirap nga baliin ang nakasanayan hehehe...masasanay ka din niyan hehehe....Ingat jan parekoy!

    ReplyDelete
  2. First of all buti naman naayos na ang blogmo. Alam mo bang hindi ako makapag comment dahil meron laging user name and password something na nag pop up, anyweis kating kati ako mag comment dati pa.

    So nasa UK ka na pala hindi ka manlang nag pa farewell party, hmp! (feeling close)

    ReplyDelete
  3. @jag: tama ka dyan. pinoy pa rin talaga kahit san magpunta. tara pasyal ka rito, mura lang naman singil ko bilang guide. ;p

    @jepoy: tama ka dyan. dahil isa akong css-loser, wala talaga akong kaalam2 sa design cheneschuva na yan. akshuli basura parin ngaun, tinatamad lang ako magayos.lolss

    ako man din nagulat at andito na pala ako. yaan mo, wait for my comeback party, kaw iassign ko sa food committee, oki?hehe apir!

    ReplyDelete
  4. ay kinda mean... Forever ka na ba dyan?

    Word verif: Suphowtkha

    ReplyDelete
  5. okioki, kaw nalang sa games committee,para happy! ;p

    wish ko lang forever na! choz!

    pag pinalad, tatagal ako ng 3 years at least. wish me luck girl!~

    ReplyDelete

© The GZT. | All rights reserved.
BLOG TEMPLATE HANDCRAFTED BY pipdig