9.9.10

On Chelmsford, fishballs, and John Lloyd



"Chelmsford is the county town of Essex, England, and the principal settlement of the borough of Chelmsford. It is located in the London commuter belt." -Wikipedia

Sa Chelmsford matatagpuan ang Anglia Ruskin University, kung saan dun ako nag-te-take ng "Overseas Nursing Program", kasama ng mga ka-cohort ko. Isang linggo kada buwan sa loob ng apat na buwan, o 20 na araw, lagi kaming pumupunta dun sakay ng aming "school bus" (at minsang sakay rin ng taxi).

Bukas na ang huling araw namin sa unibersidad, pero marami pang pagdadaanan at mga kailangang mga ipasa na mga proyekto. Pag pinalad, papasa kami at makukuha na ang minimithing "PIN", na magsasabing "Registered Nurses" na talaga kami. (Yahoo!)

Bittersweet. Yan ang experience bilang part-time student dito sa U.K. Iintindihin mo ang "bloody english" ng mga propesor na pang-"Hollywood" ang mga dialogue. Susuungin ang pabago-bagong panahon sa loob ng isang araw. Sa umaga, malamig at mahangin. Na biglang iinit. Na biglang uulan. Na susundan ng lamig ulit. Na matutuloy sa ubo at sipon.

Tapos lalabanan mo pa ang antok. Este, lalabanan mo pala ang tulog. Pagalingan na lamang kung paano di mahuhuli ng mga propesor. Isabay mo na rin ang pagalingan sa pagsalita sa wika ng Inggles na maiintindihan nila. (Di na pwede ang Carabao English, you know?)

=======================

Sa loob ng isang oras na byahe mula sa lugar namin sa Harlow, lagi kong inaantay ang panahon namin sa eskwelahan.

Dahil:

1.) Nakakaligtas kami sa trabaho sa ospital.
2.) Nakakapagsuot kami ng kahit anong trip namin, wag lang ang Asul na uniporme.
3.) Ang aming oras ng pasok ay di masyadong maaga (8 AM para sa departure ng bus; 4 PM naman sa pabalik).
4.) Sakto lang ang aming uwian halos para sa mga shops sa town centre. (Karamihan kasi ng mga shops dito ay nagsasara na agad ng 4-6 PM. Oo, di pa sila natuturuan ni Henry Sy na magsara ng mall by 10 P.M.
5.) Masarap ang pakiramdam ng magbalik eskwela, feeling students ulit. (Minus the cutting classes at Kodigo!)
6.) Maganda ang library nila. (Maraming PC at libre wifi, ergo Facebook.lol)
7.) Masarap mamasyal sa town centre ng Chelmsford. Brick road. Old buildings. Semi-laidback pace. Plus the SALE. lavet!
8.) Dahil ito lang ang mga bihirang panahon na magkakasama-sama ang aming grupo, na binubuo ng labing-pito.
9.) Wala na akong maisip. Pero pramis, marami pang happenings.

Nakakatuwa ring isipin kung gaano ang pagkakaiba ng antas ng pag-aaral ng Pilipinas at sa UK.

Mahirap mang mag-aral nang walang fishball sa kanto.
Mahirap mang bumyahe ng walang jeep, tricycle, pedicab na nag-aabang.
Mahirap mang walang traffic kang kakasalubungin.
Mahirap mang paniwalaan na pwede palang tumawid sa tamang tawiran.
Mahirap mang isipin na walang vandalism sa university.
Mahirap mang isipin na walang aircon at electric fan sa mga klasrum.
Mahirap mang isipin na walang mga karinderya sa paligid ng skul.
Mahirap mang isipin na walang pagbabaha na nagaganap pag umuulan.



Pero ang masasabi ko lang, kahit saan mo ilagay ang Pinoy, ay mabubuhay at magtatagumpay pa rin. (Naks! Define Self-confidence.)

Pero tunay yan. Yan ang tatak ng Pinoy. Ng OFW. Matibay. At may Angas. Astig ba. *kindat2*

===========================


Yan muna pansamantala.
Wala na akong sense magsulat.

Sobrang tagal na mula nung huli akong nag-update ng blog ko. Dahil na rin sa katoxican at ka-busyhan. At di ko na rin muling maalala ang huling pagkakataon na nakapag-blog talaga ako ng MATINO. (Hindi sa matino na may sense, pero yung talagang "blogpost" at hindi videos/pics lang. Nakakamiss rin pala. Salamat sa mga fellow bloggers/at fans es.te friends na nagsasabing mag-blog ulit ako. Maski di naman din nila mapupuntahan ang mga drama ng buhay ko, eh ayos lang. Oo, jumajohnlloyd lang ako!)

Oh, speaking of John Lloyd, is it true?! *tsismis mode on*

2 comments

  1. ang saya saya! Im sure ma itop mo ung exam (spell bola para sa chocolates)

    Sulat ng sulat, mga sexcapades mo naman isulat mo para may thrill bwahihihi

    ReplyDelete
  2. Bastos!

    Pwede ko ba dito ishare phonesexcapades natin!??! aaaw!

    ReplyDelete

© The GZT. | All rights reserved.
BLOG TEMPLATE HANDCRAFTED BY pipdig