22.10.10

thoughtpic: Boy Bawang Invasion


Boy Bawang Invades Windsor Castle.

****

Busy.
Toxic.
Ngarag.
Haggard.

Wala na akong maisip pang mga salita na me synonym sa mga yan, pero yan ang dahilan.

Dahilan ng ano?

Dahilan kung bakit napakatagaaaal kong di nagblog ng matino. (Kelan ba ako nagblog ng matino, aber?!) 

Yan ang dahilan kung bakit absent ako dito sa manikmakina, at di ako nakakapasyal sa mga blog ng mga gwapo't gwapang blogger friends. (naks, me plugging! bumabawi lang!)

Yung mga huling na-post ko, obviously, e mga walang kwenta para me masabi lang ba. 

At dahil ngayong nakapagpasa na kami ng requirements sa university dito sa Ingglatera, at habang paubos na ang aking vacation leave, eh subukan kong manumbalik sa pag-ba-blog.

**end of intro**

"Alangya intro pa lang yun?!"

Wag ka nang umangal, matagal nga akong di nanggulo e, pagbigyan mo na ako.

Lagpas 4 na buwan na ako dito sa U.K. Marami na akong napuntahan, pero mas marami pa rin ang di ko pa naeexperience. (Oh, wag marumi ang isip.) Namasyal kami nung huling Monday sa Cambridge. Ano ang meron sa Cambridge? <--- Ayan, click mo yung link, k? Pero kung ayaw mo i-click, fine kwentuhan kita. 

Hmmm....bale...kasi kwan...basta napakaraming matatandang schools, churches, buildings, museums, art galleries, lovely river rides...get it?

Ok, here's a slideshow na lang:





Lovely isn't it?

****

After Cambridge, nakalista na agad sa sked namin ang Windsor Castle. Ang Windsor Castle lang naman ang Official Residences of The Queen, and The Prince of Wales. O ha, bigtiiiime! 


(Kung siguro sa Pinas, ang katumbas nito ay ang Bahay ni Kuya sa Mother Ignacia?)
Medyo malayo at halos 1 oras ang byahe ng train mula sa London Waterloo station. Pero sulit at swak ang experience na ito dahil ilang daang taon na ang lugar na ito na ilang hari, reyna, mga prinsesa't mga pulubi ang dumaan sa mga nilakaran namin.

Gaano kalaki ang King size bed? Maganda ba ang Queen's bedroom? Mamahalin ba ang mga painting na nakadisplay?

Ganito na lang: Ang damuhan, daig pa ang carpet sa ganda. Daig pa ang kutis ko maski ipa-Belo ko sa ganda.

Sayang lang at bawal magpicture sa loob ng castle dahil makakaapekto sa mga painting ang mga ilaw ng flash. (At baka na rin kung sino-sino ang mga itag na facebook friends, magagalit si Queen.)

Malupit din ang banat ng St. George's Chapel.


Imagine, andun nakalibing ang ilang mga dugong maharlika sa mga tabi ng simbahan.
Ano kaya feeling nun pag Todos los Santos? Ang weird ng experience, pero feeling ko nasa Da Vinci Code ako o nasa National Treasure.

National Treasure (Widescreen Edition) 
****

Konting segway to the highway muna...

Ang saya ng feeling naming lahat na bumisita. Pero lalo na ako. Dahil bago pa ako makapunta ng UK, tinawag ko na ang plan na ito na "Project QueenBeatles." Yan ang tag ko sa pagaasikaso ko sa papeles ko paglipad dito. Obvious naman kung saan nagmula ang Beatles. At ang Queen, ay syempre, bilang pangsipsip sa Mahal na Reyna Elena ng Ingglatera. Taray!!!

So nakita ko ba si Queen?
Ang sagot ay malupit na: OO NAMAN!

Napakaraming beses kaya.
Dahil nakikita ko mukha niya sa pera at barya kada minuto na nagpapaalam sa akin. yikes!

****
So ayun na, since sawa na kayo, eto naman ang aking That's my boy friendster pics.lol.




The Soldier, The Convict.



Knight in Day.


***end***

Hanggang sa muli mga bata, paalam!

















2 comments

  1. ang ganda naman dyan... sa pictures pa lang... lalo na siguro pag andyan.

    tc

    ReplyDelete
  2. nasa UK kana pala kuya? Ayos. haha super out dated ako. Haha, konti pa experience mo niyan?xD Sana makapunta din ako jan. haha

    ReplyDelete

© The GZT. | All rights reserved.
BLOG TEMPLATE HANDCRAFTED BY pipdig