21.11.10

Manikmakina's Top 11 answers to...(100 Peso Question)

Oo me kinalaman ulit ito sa formspring. (Lab talaga kita formspring.) Pero imbes na sagot ko ang ilalagay ko dito, TANONG ko ang sasagutin naman nila.

Sinubukan kong pumili ng top 11 na sagot gamit ang pinakabagong siyentipikong pamamaaraan, and eenie-minie-mynie-mo. Sa mga nagtataka bakit 11 at hindi 10, dahil lagi na lang sakto ang mga countdown, so naglagay ako ng butal, may lawit ba. At dahil rin sabi ng horoscope ko, lucky number ko ito. Maraming salamat sa mga sumagot sa tanong ko, at eto na ang Manikmakina's Top 11 answers to "The government gives every citizen 100 Pesos for unknown reasons. Now, what will you do to it?"


11: Save/Keep it. 
Yan ang sabi nila hellosummerlove, jojoloco, TrinaTheStrange, iamminnelle,tonyocruz, joywin, immabxxtch, craaae, frauregina, inghinyero, almira03, aeeeceee. Ibig sabihin, ang mga taong ito ay nag-iisip para sa kanilang mga future. Hindi nila iniisip kung ano ang halaga, ang importante, may madudukot sila kinabukasan.

10: Buy food!
Syempre di na mahirap pang i-explain yan. Deretsong mga sagot nila urbisan06 (lunch),denisecua (froyo), chokeyou & Laurene (KFC Double Down), and thisismissfox (Chips and Donuts). Si heygray rin daw balak bumili ng food, at baka ishare sa iba. Hi heygrey! haha


9: "use it to pay my taxes"-robcham
Oo nga naman. Letseng taxes yan! 


8: "Pambayad utang"-kaitee8
Naku, dibale nang walang ibayad, pwede na ring pantanggal interes ang 100!


7: "pamasahe. HAHA"-Darielicious
Sa pagtaas ng pasahe at krudo, not a bad choice!


6. "P100 pesos.. Buy stuffs that I really need."-violeTHERESE
Malaking tulong yan lalo na para sa Xmas shopping?





5. "Weh?IDK about that.Maybe,I should not accept it."-nve09
Sa dami ng mga sumagot, siya lang ata ang di tatanggap. Hmm...



4. "Thank them? And then frame my 100 peso, 'cos that would happen once, and only once. :)"-mimyohan
Sa dami ng mga sumagot, siya lang ang nakaisip magpasalamat. Oo nga naman ano?



3. "Magrereklamo ako, bakit 100 lang!!! diba!"-happi
Hindi masaya si happi


2. "I will go to Malacanang to give the P100 back and remind them about the P4.6 Trillon Foreign Debt our country has. A bad case of amnesia is not an excuse for bad governance ;)"-nurseyapi
Wow. Sen. Miriam, is that you?!


1. "Bribe a politician."-CoyPlacido
Simpleng malupit. Ang tanong, sinong politiko kaya ang HINDI tatanggap neto?


Salamat muli sa mga sumagot! Kung ako ang tatanungin, siguro itatago ko, para ipambili ko ng burger meal. May take home pa! Kung bakit namigay ang government, di ko malalaman. At kung bakit tig-100 Pesos lang, eh itatanong ko na lang sa Math teacher ko yun.


Ikaw, anong gagawin mo?

4 comments

  1. Gusto ko sana ikeep kaso pagitatago di magcicirculate ang pera kaya sige gagastusin ko siya pero sa produktong pinoy... para ang pera babalik pa rin sa Pinas at kikita pa rin ang Pinas... Naks! O ha! lol

    ReplyDelete
  2. grabe naman yan Xprosiac! bilib na ko sa pagmamahal mo sa ating bayang sinilangan. baka kunin ka na ng DOT nyan as head? haha

    ReplyDelete
  3. ako kebs, bibili ako ng chippy tsaka mountain due tapos lafang galore. hihihihi

    ReplyDelete
  4. aba nag endorse ka pa ng CHIPPY at MOUNTAIN DEW dito. samahan mo na rin ng SAN MIG LIGHT para solb. shucks katakam

    ReplyDelete

© The GZT. | All rights reserved.
BLOG TEMPLATE HANDCRAFTED BY pipdig