Kakaunti lang ang nakakaalam kung ano ba yung personal project ko na yun.
Bakit Project? Bakit Queen ang Beatles? Banda ba yan?!
Sinagot ko yan sa isa pang blog post na kung saan ay nag-ala wikipedia ako na pwedeng sagutin ng "Oehanongayon?!"
"I called it such for I was referring to going to see the land of Her Majesty, Queen Elizabeth, and the birthplace of the Beatles: England. United Kingdom to be more precise."
(Letche, ang arte. Wrong grammar na, mas precise pa raw ang UK kesa sa England. lokong blogger yan a.)
Anyway my way on the highway, so yun nga, makalipas ang mga araw na puro saya, lungkot, tawa, iyak, tawa, iyak, sigaw, aray at iyak ulit, nakalapag nga ako sa bansang Inglatera ng June 3, 2010.
At noon na nagsimula ng pormal na tumakbo ang Project QueenBeatles.
Makailang hirap at tiis. Na hindi mabibigyan ng hustong bigat at lalim ng mga salita ang mga napagdaanan namin dito. Na hindi mawari at tila di tunay na ganap nga kaming mga OFW sa ayaw at sa gusto namin. Na kami na ang naging sellout sa pagiwan ng bansa para sa ibang mas ma-berdeng damo. (Putek hirap magtagalog). Na di na mabilang na sakripisyo at hirap at sakit ang pinagdaanan at pinagdadaanan.
Hanggang sa gumising ako ngayong umaga. Tanghali na dahil kami'y nagsalo-salo at nag-happy happy.
At may dumating na sulat mula kay Manong Kartero.
Ang nilalaman, ay eto:
Ang bunga.
Ano yan? Isang sulat na may lamang card na napakanipis para maging card. Nakasulat ang pangalan ko, numero ko sa rehistro, ang expiration date, at mga paalala kung paano maging isang mahusay na nurse.
Oo, NURSE na ako talaga, ulit.
Eto ang ending ng 1st season ng Project QueenBeatles. Marami pang season ang susunod. Di pa natin alam ang kwento.
Pero sa ngayon, magsasaya muna ang lahat, lahat ng naging bahagi at parte ng paglalakbay kong ito, alam niyo na kung sino-sino kayo, dahil ang inyong lingkod, ay Nurse na ulit. (Na may British accent!)
Sabay-sabay tayong mag APIR!
No comments
Post a Comment