📌

📌

24.2.11

Dialogues sa Ukay: "Palimows pow?"

Ano ang pinaka-memorable moment na kung saan ikaw ay nalimusan?



United Kingdom 2010 1 Pound London Gold Proof CoinKahapon, pagkatapos ng isang nakakapagod na duty sa ospital, ay lumarga ako sa town centre, ilang minutong lakaran ang layo mula sa aming ospital at kabahayan.

Naglibot, namili, kumain sa BK kasama ang mga katotong sila Sara, Sheila, at Jerome. Namili ng tsokolate at nakasabay si Rizza at nakasalubong si Ate Weng. (Lahat ng mga pangalang nabanggit ay pawang mga tunay na mga tao, mga Pinoy na nars ring tulad ko dito sa Ingglatera. Di sila mga fictional characters na ginawa lang ng aking kwentongbarberong utak)

So in short, Haggardo Versoza na ako nang bandang mga 5 PM, kaya naman uwi na ako.

Habang palakad na ako sa malamig na gabi sa gitna ng town centre, may isang Briton ang lumapit:

John Doe: "Excuse me mate..."

(utak ni reigun: Potek, trobol ata to ah..haharangin pa ako. Matino naman ang itsura ni ser. Pero yung tono nya, parang salesman na may iooffer na kung anong promo.)

reigun: " Yeah?" (bilang lang ang english words ko, okey?)

John Doe: " I know this is embarassing, but can you spare me 20 pence (cents)? I mean, it's alright if you don't, it's ok."

(utak ni reigun: Naman koya! Kinapalan mo na mukha mong mang-uto ng Asian, pakyeme ka pa. Mahirap magsabi ng NO, baka me resbak si kuya.)

Kuha naman ako ng coin purse ko sabay sabi ng "Ok" habang kinukuha ang 20 pence coin. (Bilangin ang mga babanggitin kong mga salita)

John Doe: (Humirit pa) "I'm sorry, here let me show you these..." Pinakita nya ang mga nakuhang mga barya sa mga iba pang mga nauto siguro 

"Look, I'm an alcoholic, I'm sorry."

Binigay ko ang barya..sabay sabi ng "It's alright."

John Doe:"Oh cheers mate!" Ngiting-aso si gago.

Lessons learned:

1. Wag maging mukhang uto-uto
2. Umiwas sa trobol ng mabilis. Wala nang sabi-sabi kung pwede.
3. Damihan ang alam na english words.
4. Kapag namamalimos, maging honest. Wag na yung "May sakit po ang nanay ko..." "Pambili ng gatas ng anak ko...."  Dapat eh "Wala na akong pang-rugby!"
5. Laging magdala ng barya.



Ikaw, kamusta na ang mga palimos moments mo?

4 comments

  1. cents ang kailangan nia? question lang, dito ba yan sa pinas nangyari or abroad? sorry sa question.

    ReplyDelete
  2. Yup, lahat ng mga pangyayari ay dito sa Ukay o sa Ingglatera....so almost 14 pesos ang nalimos nya sakin.... Argh! Haha

    ReplyDelete
  3. hay nku madami talagang nanlilimos ngayon dahil lang sa rugby..nakakalungkot..

    ReplyDelete
  4. naaawa ako pag may nanlilinos sakin kaso minsan pag wala tlg pamanhid epek nalang ako kunwari d ko nakkta

    ReplyDelete

© The GZT. | All rights reserved.
BLOG TEMPLATE HANDCRAFTED BY pipdig