6.6.11

1 Year in Ukay!

Ngayong ika-6 ng Hunyo, 2011, lagpas na ng 3 araw, pero ipapaalam ko lang sa kung sino mang walang magawa sa mga minutong ito at nagbababad sa internet, o nagsasayang ng oras sa facebook, twitter, youtube, tumblr, o anu mang porn site yan; Naka-isang taon na akong wala sa Pilipinas kong Minamahal.

Una sa lahat, maligayang pagbabalik sa aking sarili dito sa aking blog...(ay, walang welcoming remarks?) Eh ano, wapakels naman. Tinamad akong magblog (for the nth time), dahil nakalimutan ko ang dahilan ko ng pag-blog. Ilang taon na ang nakalipas, siguro nung sikat pa si Britney Spears, nag-blog ako para lang ipahayag sa internet ang aking naiisip at nadarama. O diba ang drama lang. Pero para na rin ipaalala sa sarili ko ang mga naganap, importante man o hindi. Makakapagpabago man ng buhay ng isang tao, o makakapagpaGago.

Kaya eto ako, Basang-basa sa ulan, walang masisilungan..


***

Teka, balik tayo sa emo post ko. Naka 1 taon na ako dito sa Inglatera.

1 taong walang tricycle, jeep o pedicab. Mula sa MRT/LRT na nagsisiksikan sa mga amoy-araw, hanggang makipagsiksikan dito sa "Tube" sa London sa may mga imported na anghit naman. Mula sa mga pahirapang parahin na taxi sa mga mall na may mga batingting, hanggang sa ang lahat ng taxi ay de telepono, at itetext ka pa pag andyan na sa pintuan mo.

1 taong walang streetfood: fishball, kwek-kwek, isaw, sago gulaman. 1 taon na kung saan ang isa sa mga GINTONG pagkain ay mga "imported" items tulad ng Lucky Me Pancit Canton, Boy Bawang, Century Tuna, Skyflakes, C2.

1 taong walang katapusang nosebleed marathon ng pag-iinggles.

Mga simpleng bagay, na talagang masasabi na bagong buhay ang kinahantungan. (cue for "Maalala Mo Kaya" music)

***


Mahirap, masarap, nakakabaliw, nakakatuwa, nakakaexcite, nakakaiyak.

Halo-halo ang nadama ko sa 1 taon ko rito. May comedy, drama, horror, suspense, kulang na lang bold. Loljk.

***

OH-EFF-DOBOLYU

OFW. Isa akong OFW. Kilala ang mga Pinoy dito bilang mga masisipag, mababait, laging mga nakangiti maski pagod na pagod, masarap kumain, masarap magluto, at mahilig magvideoke.

Sabi ng isang Briton : " You Filipinos always love to sing, even when working!" Mga nasa tono raw tayo lagi. Sabi ko, abangan niya paglabas ng album ko. Kinasuhan ako ng psychological harrasment.

Bilib rin sila sa ating mga Pinoy, dahil sa isang natatanging PINOY.

PNoy? Nope. Sino pa, edi ang namber wan pawnd por pawnd keng, Pacman!!!

Nang nagpagupit ako sa barbero por da pers taym (TOTOONG KWENTO TO, HINDI KWENTONG BARBERO!) Eto eh nung nanalo si Pacman versus Margarito.

Brit Barber:"So, Filipinos really like Pacman eh? He's really good."


Ako: "Oh. Yah."


Brit Barber:"And so he's a congressman as well? Would you vote for him as a Prime Minister?"


Ako: (Oh shit, trick question ba ito?!) "Well, I won't. But I won't be surprised if he wins, which is sad." (enter nosebleed)

***

At syempre, ang kinatutuwaan ng lahat ng mga kakilala ko pag nalamang andito ako sa England.

ROYAL WEDDING.


Harry Potter


The British Accent.

Kung meron na raw ako. At sampol raw. Well,


ManikVid: Quick Unofficial Guide on How to  Fake Your British Accent from reigun decena on Vimeo.
Quick Unofficial Guide on How to Fake Your British Accent. No hating, just for fun! Check manikmakina.blogspot.com if you ever got bored.


apir!






3 comments

  1. lol. ikaw na ang may accent na pang UKAY. whatevah. lol.

    happy 1 year dyan sa Ukay.

    ReplyDelete
  2. Wha wha wha? Wa-evah! hahaha! That accent hahaha! YOU ALREADY! lols!

    Nka isang taon k n pla jan....ambilis ng panahon...

    ReplyDelete
  3. omagaaaaaaawddddd! Hindi ako mag papalupig sa LEEE-EE-ER accent BRI-ISH accent mo. Gagawa me ng Singlish video me!

    Ikaw na ang best video blogger of the century!!!!

    ReplyDelete

© The GZT. | All rights reserved.
BLOG TEMPLATE HANDCRAFTED BY pipdig