28.10.11

Halloween 101

Eto na. Nalalapit na ang araw na kung saan ginawang kasiyahan ang araw ng mga patay. Halloween Party kumbaga. Kung saan magsusuot ng kung anu-anong costume para sa isang gabi.

Di ko naman alam kung may kinalaman ang pagsusuot ng mga movie character costumes sa mga patay. Pero astig diba. Parang legal lahat na mag CosPlay. Astig!

Tulad nitong kuha ko sa kaibigan kong si K-Ann last year sa aming bahay: Taray!


Akyat-Bahay Gang is Scary





Isa sa mga namimiss ko talaga sa Araw ng mga Patay ay ang pagpunta sa sementeryo mag-isa ng walang flashlight ng madaling-araw.
Biro lang. Di ako ganun katanga katapang.

Panunood ng Magandang Gabi Bayan ni Kabayan Noli de Castro ang pinakagusto ko. Nung bata pa ako (maski nung tumanda na rin), ay napapasigaw ako sa mga soundeffects at sa mga pagsadula ng mga katatakutang storya. Badtrip. Na-realize ko kahit saang sulok sa bahay ako magtago noon, eh may susulpot na mumu sa harapan ko.

May mga lumulutang na mga kabaong. May mga nang-rerape na Kapre. May mga duwendeng mga naglalaro sa bahay.

Isipin mo yung takot nun. Makakasuhan mo ba ang Kapre ng RAPE?! Sheeet!


+++


Wala akong 3rd eye. Badtrip nga e. Sayang naman ang tapang ko. Pero marami na akong mga narinig na mga kwento. At dahil isa akong nars, nakakatakot ang mga kwentong kakatakutan sa ospital. Isa ito sa mga paborito ko. Isang repost mula noong 2009 titled: "awwoooondas"


nagkwento ang aming nurse aide na si kuya jonathan. (naks, special mention!alam mo na, ahem!)

Bago siya naassign sa Psych Ward, dati siyang nagtatrabaho sa Laboratory. (kung saan sila namamahala mag extract ng mga dugo, etc., at gawan ng mga lab tests at exam.)

So, isang gabi, may isang med tech, na mageextract ng blood for labs para sa isang patient sa WARD A.

4 a.m. ang oras. Saktong oras ding yun, ay pumunta si Ms. Medtech sa kwarto ng patient.



Ang patient ay isang BURN victim, at tipong 3rd degree burn talaga, na di na halos matatawag na balat pa yung natitirang mga sugat sa katawan niya.

Pagpasok ni Ms.Medtech, nakita niya ang dalawang bantay ng patient. Bumati siya ng Good morning.
At siya namang tumango ang dalawang bantay. Di na niya narinig nagsalita o nakitang tumingin dahil maaga pa at malamang ay antok pa.

Punta si Ms. Medtech sa patient. Habang tinitignan ang area kung saan kukunan ng dugo (sa may kabilang side ng elbow), ay nahihirapan siya maghanap ng ugat dahil severely burned nga ito.

So, di nya nakunan ng dugo. Nagpaalam muna siya, at umalis.

Bumalik siya ng lab para magpatulong sa senior at expert na.

Nang malaman ni Mr. Senior, nagulat siya.

"Nakuhanan ko na to ng dugo ah?May request na to, same lang, bandang 2 am ako nagpunta dun. At di siya sa WARD A. Nasa WARD B na siya." sabi ni Mr. Senior.

Laking taka ni Ms. Medtech. Imposible daw dahil malinaw ang nakalagay sa request. At kakagaling lang niya sa WARD A.

Dali-dali, nagpunta sila sa WARD A para balikan ang patient.

Pagpasok nila sa kwarto. Walang tao. Walang patient. Wala yung 2 bantay na binati ni Ms. Medtech.

Nagconfirm sila sa nurse's station. Midnight pa raw nagtransfer to WARD B yung patient.

Nashock si Ms. Medtech at di na mapigil ang iyak pabalik sa lab.

Dahil ayaw niyang isipin kung sino yung dalawang bantay na binati niya na parehong naka itim....


++


Ilang araw na lang at Araw na ng mga Patay. Ipagdasal natin ang mga alaala ng mga nauna na sa atin. Sariwain ang mag panahong andito sila kasama ang mga kaibigan at mga kamag-anak. Walang masamang magsalu-salo, pero wag natin sanang kalimutan ang dahilan ng panahon na ito.




P.S.


Sa may madilim, wag kang pupunta sa dako pa roon






3 comments

  1. asan ang tapang? suntukan nalang o? piz!


    kakamiss panoorin yung mgb pag araw ng patay. lufet ng mga nakakatakot na episode.

    ReplyDelete
  2. etong sunday, may MGB special parang compilation ng mga stories.

    ReplyDelete
  3. wala akong kaalaalam sa mga ganitong okasyon...hehe...basta everyday is a normal day to me.

    ReplyDelete

© The GZT. | All rights reserved.
BLOG TEMPLATE HANDCRAFTED BY pipdig