12.10.11

It's not about the money. (Not!)


Naiinis ako.





Hindi naman sa personal na buhay. Hindi rin naman napakabigat ng dahilan. Badtrip ako dahil sa NBA lockout! Para sa mga hindi fan ng NBA, pwede niyo nang isara ito at bumalik sa Facebook at sa mga pornsite. (Sayang, may ibibigay pa naman akong premyo sa dulo neto.)

O yan, tuloy ang pagbabasa, nang yumaman ka!

Bakit nag-lockout ang NBA? Hmm..mahirap i-explain. Basta sa madaling salita, hindi sila nagkakasundo kung paano ang porsyento ng hatian ng kitang matatanggap nila. Sa mga nababasa ko, tinatayang $4 Billion ang paghahatian ng mga 400+ players at ng more or less 30 team owners.

So kung natatandaan ko pa yung math ko, $2Billion ang paghahatian ng mga 400+ players, tapos $2Billion naman ang sa may 30 team owners. Ayos ba?

Sa business stand-point, nag-invest ang mga team owners ng napakalaki, at sinasabi nilang nalulugi raw sila. Ang mga players naman, ang sinasabi eh sila naman ang nagpapatakbo at ang dahilan kung bakit sila kumikita.

Ang ending, hanggang ngayon, wala pa ring pagkakasundo at nakansela na ang unang bahagi ng season.

Maging ang US President na si Obama, na kilalang NBA fan ay 'Heart-Broken' daw.
O diba, ang drama ni Obama.

Obama, mag 3-way calling tayo kay Pacquiao!


Iiyak na lang kaming lahat ng NBA fans at manunood ng mga replay sa YouTube.



----

Ang tanong naman kasi, bakit kailangang milyones ang pasahod ng isang professional player? Doktor ba sila na may ginagamot at sinasagip ang buhay? Engineer ba sila na sinisiguradong swabe ang mga plano ng mga pinapagawang kung ano-ano?

Eh artista ba sila na napapanood natin tulad ng 'No Other Woman'? Nars ba sila na nagkakandakuba na sa pag-aalaga ng mag pasyente? (Naks, ako na ang kampanerong kuba)

Sabagay, gusto silang panuorin ng mga tao, at handang magbayad ng pagkamahal-mahal na ticket para lang makita silang maglaro. Sino ba namang gustong manuod ng Kartero na naghahatid ng sulat? O ng Pulis na nangtitiket sa motorista?

Pero, may mali di ba? Pag nalaman ng mga susunod na generation kung anong klaseng civilization meron tayo ngayon, di ba parang katawa-tawa?

(Naks, pa-deep ang tono. Kunwari intelektwal!) Pero, isipin mong mabuti.

Sino kaya ang dapat na may pinakamalaking sweldo? Di ba dapat ako?!


----

Ang isang araw ng isang trabahador ay napakahabaaa at napakahiraaap. Di pa dumarating ang pasahod, bilang na at kwentado na ang pupuntahan neto. Andyan na ang pambili ng pagkain, pambayad sa kuryente, ilaw, tubig. Kung may pinag-aaral ka, naku isa pa yan.

Eh pano na ang mga tulad naming mga OFW? Eh bago pa man makaalis ng bayan at makatapak ng eroplano, eh may accounting nang nagawa at may internal calculator ka na sa brain na panay magcompute kung pano mababawi ang mga nagastos at kung saan-saan mapupunta ang mga matatanggap na biyaya.

Buti na lang may credit card, whew! Kaya, Mabuhay sa mga OFW at sa mga pamilyang may OFW!(tears.singhotsinghot)

----


Napaisip kasi ako nung isang araw, (which is minsan lang talaga) habang tinutulungan ko ang pasyente kong lola sa (pasintabi po), sa kubeta, may nasabi siya.

Sabi niya, naawa siya sa akin at sa mga kasama kong mga staff na hirap na hirap at pagod na pagod kakatrabaho. At ang gwapogwapo ko raw.

Bakit daw nagkukulang ang gobyerno sa mga pondo at anong dahilan ng cost-cutting, samantalang mga pasyente rin naman ang talo.

Nababasa niya sa diyaryo araw-araw ang mga players ng Manchester United, Chelsea, Arsenal atbp ay puro milyones ang sweldo, na parang di pa sila masaya.

Sabi ko naman, wala ang mga yan kay Phil Younghusband, may Angel Locsin!

----

4 comments

  1. thanks for the comment on my blog.

    now following you hope uou could follow me too

    here's my url mr837.blogspot.com

    have a nice day ahead...

    ReplyDelete
  2. tama! sang-ayon ako! bakit kailangan swelduhan ang mga atletang walang ibang ginawa kung di magpacute lang... hehe

    ReplyDelete
  3. may angel locsin buti pa siya.
    ako. akong kargador ang dapat malaki ang sahod di yong mga puro laro lang ang ginagawa.

    ReplyDelete
  4. Gusto ko din ng malaking sahod. :(

    ReplyDelete

© The GZT. | All rights reserved.
BLOG TEMPLATE HANDCRAFTED BY pipdig