📌

📌

22.10.11

Pano ba chumansing?

Magandang tanong yan Gie.

Depende. Mahirap yan lalo na kung di pa masyadong close at magkakilala. Pero sabihin nating medyo komportable na sa isa't-isa, (tipong ilang araw na kayo magkatext o magkachat) dyan na magandang subukan yang estilo na yan.

Dapat ang chancing, maski pasimple at mababaw, pero dapat epektib at tipong may mensahe na: KILIGIN KA!

Ito eh di ko mga experience, mga napanood ko lang sa mga pelikula at sa mga telenobela.

Pwedeng yayain mong magsimba, tapos hawak-kamay kayo sa "Our Father". Tapos pikit-mata kayong kumakanta. BIgyan mo nang konting pisil yung kamay. tipong UMM. ganun. Tiyak ramdam niya yun. May kuryente ba.

Kapag naman tipong magkatabi kayo sa pampasaherong sasakyan, kunwari antukin ka. Sabay itukod mo yung ulo mo sa balikat nya. (Syempre depende naman sa height rin, baka magkastiffneck ka kung di kayo pantay!)

Tapos kapag may iaabot ka naman, isanggi mo kunwari yung kamay mo sa kamay niya. Tipong: Oops, sorry. Sabay ngiting pakyut.

Kapag naglaughtrip naman kayo, idaan mo sa pa-palopalo sa kanya habang hagalpak ka sa kakatawa kunwari. Dun mo na iupgrade sa pakurot kurot sa tagiliran o kaya eh sundutin mo kilikili niya.

Kapag medyo malakas na loob mo, kurutin mo na rin legs niya. Boom! Alam na!

Mga simpleng chancing yan, hindi ka matatawag na manyak o perv, pero at the same time, alam na yung mensaheng: LANDIIN MO KOH!!!

Ask me anything at your own risk. pramis.

3 comments

© The GZT. | All rights reserved.
BLOG TEMPLATE HANDCRAFTED BY pipdig