Hithit-buga
Patay ang makina ng jeep. Isang maulang umaga.
Trapik. Mainit. Siksikan: Para nang litanya.
Bumitaw muna ang mga nakasabit para magpahinga.
Oh Pilipinas kong mahal, nakatigil ang lahat dahil may banggaan sa Espanya.
Bitbit ang bagahe, laman ay libro.
Nilalabanan ang antok at pagod na di mabura-bura
Sa isang dosenang kape na di na biro
Oh Pilipinas kong mahal, langhap ko ang usok mong hithit-buga.
Si ate sa tapat, walang tigil magmura.
Si manong driver, nakatitig sa tabloid niyang malaswa
Si kuya sa tabi ko, humihilik at kung ano pa
Oh Pilipinas kong mahal, lahat na'y nagsasawa
Ayan na umandar na, gagalaw na kami
ang mga nahuli sa mga pasok, lumuwag ang hinga.
Pero biglang nagulat, muling huminto
Oh Pilipinas kong mahal, P#@*&% walang gasolina!
-------------
Ito ang aking panlaban sa pakontest ni gasolinedude dito:
astig na isa, tyak may laban na to'!
ReplyDeletemaraming salamat ser!
Deletewow..galing naman to..tama si inong may laban tong entry mo kuya
ReplyDeletesalamat!!!
DeleteOh Pilipinas kong mahal...
ReplyDeleteang gasolina.
di lang mahal. mapapamura ka pa sa mahal!
DeleteAfter more than a month of reading and putting scores on each entry, FINALLY! Check my blog for the list of winners. Salamat sa paglahok at pagsuporta sa aking munting patimpalak. :)
ReplyDeletecongrats.Pilipinas kong mahal.
ReplyDeletemaraming salamat!!! :)
DeletePanalo pala eh!!!! Good job!
ReplyDelete