📌

📌

10.1.12

Distraksyon.

Distraction. 
1. the act or an instance of distracting or the state of being distracted
2. something that serves as a diversion or entertainment
3. an interruption; an obstacle to concentration
4. (Psychology) mental turmoil or madness 

Distraksyon.

Ano para sa iyo ang isang distraction? Panggulo? Pang-lito? Hindi ba pwedeng, maganda rin ang epekto, tulad ng pampasaya?

Naalala ko ang isang lola sa ospital. Hindi maganda ang kalagayan niya. Medyo malubha ang karamdaman. Pero, nung araw na yun, kakaiba. Umagang-umaga, nakangiti siya. Malumanay.

Sa kabila ng lahat ng mga nakakabit na mga tubo at mga linya ng mga swero sa kanya, sa kabila ng hirap ng lagay ng kundisyon niya, sa kabila ng hirap ng maputulan siya ng kanang paa pababa ng tuhod, nakangiti siya.

Sabi ko, bakit masaya ka ata ngayon? Mas okey makita kang ganyan ngayon, kesa nung mga huling araw.

Di ko inaasahan ang sagot niya.

Sabi niya, iniisip raw niya ang isang distraction. Nasa bahay siya, nakaupo sa sofa. Habang nakikita ang aso ng apo niya, isang kulay brown na jack terrier. Kasi tuwing makikita raw siya neto, tatalon raw ang aso sa mga kamay at hita niya, patakbo at tila tuwang-tuwa. Ang sarap-sarap raw ng pakiramdam at natutuwa siya na tuwing iniisip niya yun. Yun raw ang kanyang distraction. At dahil dun, nababawasan raw ang kanyang nararamdamang sakit, at di siya masyadong nalulungkot.

Lahat tayo, may kanya-kanyang distraksyon. Maaaring sadya, o maaaring biglang sumusulpot na lang rin paminsan-minsan. Minsan, sa bilis at gulo takbo ng araw, kailangan nating huminto at bigyan ng panahon ang mga distraksyon na ito.

Ang akala nating nakakasira ng konsentrasyon, o akala nating umaagaw ng panahon sa mga "mas importanteng bagay", di natin namamalayan na ang isang "distraksyon" pala ang dapat na "atraksyon para sa atensyon".

Dahil para kay lola, nung panahong iyon, ang distraksyong iyon ng mga sandaling iyon, ang naging pinakaimportanteng bagay na nakakapagpasaya para sa kanya.

Maging ang minsang pagtakas sa realidad ay maaaring maging isang napakagandang distraksyon. 




4 comments

  1. Agree ako. Distractions aint always bad, and it helps a lot also. :D

    ReplyDelete
  2. depende nga talaga sa sitwasyon. minsan maganda ang distraksyon minsan naman ay hindi. weder weder lang. hehe.

    sana'y mai-add mo ang bagong blog ko sa listahan mo. salamat!

    ReplyDelete
  3. not all distractions are really bad..nasabi mo nga minsan ang mga distractions na to ang way natin to escape from the harsh reality we are experiencing.

    ReplyDelete
  4. Maging ang minsang pagtakas sa realidad ay maaaring maging isang napakagandang distraksyon.

    - Minsan, ang pagtakas sa realidad ang makakapagsabi kung nasa ritmo pa tayo ng realidad.

    ReplyDelete

© The GZT. | All rights reserved.
BLOG TEMPLATE HANDCRAFTED BY pipdig