17.4.12

KarateChop


Bwisit na Temple Run to oh. Lagi na lang ako nadededs amp.

Holdap to!

Gago pala tong si manong eh. Kung makatutok ng patalim sa kolehiyala eh talagang papatay
para sa selpon. Parang sinapian ng MALIGNO. Punyeta, ilang linggo pa lang ang selpon ko. Kung bakit
pa kasi ako nagpabili nung bertdey ko.

Naalala ko bigla si Kris. Katabi ko siya noon sa SILID-AKLATAN. Sabi ko kung pwede kaming lumabas.
At nung kukunin ko ang selpon number niya, napangiti siya sa telepono ko. Nokia. Walangya natawa siya.

Ngayon, nakikita ko siya sa may palengke malapit sa kanila, nagbebenta ng gulay at GALUNGGONG. Eh ako? Naka-iPhone na ako! HA! Buti nga sayong babae ka, kung mambasted ka kala mo kasing-lupit mo si Anne Curtis oy!

T*ngina, nakatingin na sa kin yung malignong holdaper.

Walang magawa si manong drayber, masyadong madilim ang kanto at di kita kaming mga pasahero sa jeep ngayong dis-oras ng gabi.

Nakita niya akong nakangiti sa kawalan. At ang kawalan eh sa mismong mukha niya. Kala niya ata eh tinatawanan ko lang siya. Naibigay na pala ng kolehiyala ang bag niya.

Nakatutok na pala yung balisong sakin. Nakikita kong nakasigaw siya sa akin.

"AKINASELPONMO!SASAKSAKINKITA!"

Nawala na ang ngiti ko. Magpapaka-BAYANI ba ako ngayon at gagamitan ko ba siya ng kakaunting karate lesson na natutunan ko nung 8 years old ako nung sa MILO Best? O baka matulad ako sa isang KULISAP na napisa at naglabasan ang mga kalamnan. Pero HINUHA ko lang yun. Pwede rin namang hindi, kasi medyo napuri ako nung teacher sa karate chop ko. Baka matsamba.
Kung bakit ba naman kasi di ko natapos ang summer class ko noon.

Ayos. Eto ang PANITIKAN ng araw ko ngayon: "Holdaper, na-karate chop, dedo." O kaya e
"Call center agent, nangarate, nagripuhan ng holdaper."
Sagwa. Tabloid headline na nga lang, di pa sensational.

Tipong pambalot lang ng Galunggong!

Bahala na ang mga taga-KAGAWARAN ng tabloid dun. Wala na akong magagawa.

Ibibigay ko ba ang selpon ko sa malignong to, o susubukan ko muna siyang tirahin?
Nauubos na ang oras ko. Nauubos na ang mga pagpipilian ko. Teka, paano nga ba mangarate-chop? Shet!

Natutulala na naman ako sa kanya.


"Selpon!"


iPhone.

Si Kris.

Ugh.

Paborito ko naman ang galunggong. Kasama ng kamatis. At itlog na maalat. Masarap.

...

Habang nakaLARAWAN ang isang SARANGGOLAng nagjajaywalking sa langit..

Nakahiga ako..sa..


Bakit ako nasa DAMUHAN...


alangya..


...






=============

Panggulo para sa "Bagsik ng Panitik" contest ng Damuhan.

12 comments

  1. unang beses ko dito at napahanga ko sa entry mo para sa damuhan contest. mahusay po :)

    magandang araw sayo

    ReplyDelete
  2. ang iyong blog ay inilagay ko na sa reader ko. :) salamat sa paglahok :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. salamat idol! ngayon pa lang, congrats na sa iyong pakontes! anlulupit ng mga kasali!

      Delete
  3. ayos!goodluck pre!

    ReplyDelete
  4. cool na cool ang pagkakagawa nice. =D

    ReplyDelete
    Replies
    1. hi salamat! nakailang nosebleed lang naman inabot ko lol

      Delete
  5. malapit na ko maniwala nong umpisa ng post...entry pala sa contest hahah. goodjob ser! :))

    ReplyDelete
    Replies
    1. haha akshuli, may mga ilang parte diyan ang mula sa personal experience ;p salamats

      Delete
  6. hahah taragis nabitin ako sa kwento! ^^ yun yun eh!

    ReplyDelete
  7. Nagbasa. Humusga. Ayos! Napaisip ako sa ending. Good luck sa entry!

    ReplyDelete

© The GZT. | All rights reserved.
BLOG TEMPLATE HANDCRAFTED BY pipdig