29.4.12

Ulan, Time-Travel at si Bakal Boy.


Friday is Good. <shot taken from a mountain top in Palawan, Philippines> #igerslondon #igersmanila #igerspinoy #tree #nature #travel

Umiiyak ang langit halos buong araw. Naks, dramatic ba ang opening line? Oo miss ko na ang masinagan ng araw. At ang mangitim. At ang pagpawisan. Hinde, ayokong mag-gym. 

Day-off ko ngayon pero ang sarap-sarap humilata sa sofa at gumawa lang ng wala habang nalilibang sa internet. Nakakatamad namang lumabas dahil nagtitipid napakalakas nga ng ulan, makulit ka ba? 

Di naman ako makanood ng Avengers. Hindi dahil outdoors ang sinehan dito, pero kasi wala akong kadeyt! Kaya heto na lang muna ang pinapanood ko paulit-ulit. Ang sarap maging Iron Man!



Anyway segway, dahil diyan, nag-senti Sunday mode ako. Dahil parang isang mahiwagang time-space-warp machine ang ulan, dahil ilang larawan ang nagdaraan sa aking paningin.(That's Rivermaya reference for ya.) 

Nag-isip ako: Ano ang maipapayo ko sa sarili ko kung nag-time-travel ako ten years back to meet my 13 year old...este 17 year old self?

Shit. Ang hirap nun. Syempre matapos ang gulat, sigaw, takot at habulang malupit kung saan haharangin ko ang totoy kong sarili sa isang sulok at tatakpan ang bibig para hindi sumigaw at magfreakout, eh siguro iinom muna kami ng malamig na sopdrinks. Sabay tanong ko sa kanya: "Me barya ka ba dyan?"

***

Pero dahil limited lang ang time, eto siguro mga maipapayo ko sa totoy self ko.

1. Mag-enjoy ka sa school. Dahil pag nagsimula ka nang magtrabaho at magbayad ng buwis, iisipin mong di pala ganun kahirap intindihin ang mga subject na di mo naman magagamit lahat pagtanda mo.

2. Humanap ka ng mga tamang tropa at kasama. Hindi ibig sabihin lahat ng kasama mo ngayon eh kasama mo pa rin 10 years from now. Hindi rin ibig sabihin na malalapitan mo sila lahat agad-agad. Yung ibang pa-cool, eh hanggang pa-cool lang. Kaya wag kang salbahe at suwail.

3. Maging pasaway ka rin kahit papano. Basta nasa tama lang ha! Dahil marami ang namamatay sa salitang REGRET. (syempre di literal)

4. Mag-byahe at mag-travel ka lang. Oo, wala ka pang sweldo at pera ngayong nasa school ka pa. Sige, mahirap magpaalam sa mga magulang atbp arte. Pero kaya namang makaipon kahit konti, kahit matagal. Maraming experience points ang mage-gain mo sa mga trip na ito. 

5. Bawas-bawasan mo ang pagkokompyuter. Langya, wala kang mapapala diyan. Well, oo enjoy talaga eh. DOTA > everything. Pero, bawasan mo na lang maski 30minutes lang. 

6. Wag tipirin ang sarili sa pagkain. Dahil pagtanda mo, kahit anong gawin mo, eh lalaki pa rin ang tiyan mo.

7. Huwag ka matakot sa rejection. Huwag ka matakot magkamali. (oo na cliche much!) Pero ibig kong sabihin, subukan mo lang. Sayang rin yang mga ganyan. Dagdag maturity points yan. Kesa namang tumanda kang utak hayksul na napaka-sensitive at walang katibay-tibay sa mga hirap.

8. Sasabihin ko sayo ang mga winning numbers ng lotto, teka.

9. Gumawa ka ng website na kung saan maraming tao ang mababaliw. Yayaman ka rito. Tawagin mong Facebook.

10. Tama lang na wag kang bumili ng selpon. Kasi mahoholdap ka ng maraming beses. Pag hinoldap ka, ibigay mo lang, wag nang makulet.

11. Pre, mahirap ang nursing. Bakit yan ang kinuha mo?!?! Tingin mo yayaman ka? Umm...Ok, tingin mo na lang ba eh sasaya ka rito? Think about it hard bro! THINK HARD!!!

12. Mag-pa facial ka. Maski once a year, ok?

***

Bale yun lang muna siguro maiisip kong sabihin sa sarili ko. Masyadong marami. Baka himatayin na yung teenager self ko sa mga sinabi ko.

Siguro idagdag ko na rin na sabihin ko sa kanya na pagtanda mo, magsumikap kang maging si Bakal Boy na si Tony Stark, mayaman at pogi.

Tignan mo ngayon, konting ipon na lang, tsek na lahat.

Ansabeh!


Sinong 'di mababaliw sa ulan?
-"Ulan" by rivermaya



3 comments

  1. napaisip din tuloy ako kung ano ang sasabihin ko kapag nakausap ko yung old self ko hehe

    ReplyDelete
  2. Agree ako... maliban lang sa number 6. Wehehehe

    ReplyDelete
  3. You should watch the Avengers.... Pampatanggal senti... para back to action na ulit...

    ReplyDelete

© The GZT. | All rights reserved.
BLOG TEMPLATE HANDCRAFTED BY pipdig