4.4.12

What do you like in rainy days?

Salamat sa tanong ichirokun

"What do you like in rainy days?"
Ano nga ba ang gusto ko tuwing tag-ulan?

Paggising sa umaga, bago pumasok sa eskwela, inaabangan ko na ang mga announcement sa radyo at sa tv.

"WALANG PASOK NGAYON SA LAHAT NG ANTAS NG PAARALAN SA KAMAYNILAAN.."

Isang malakas at tahimik na "YES!!!!" sa loob-loob ko nun. Kakain ng almusal, at matutulog ulit, mamaluktot sa kama habang nakakumot. Ang saya!

Naranasan ko ring maenjoy ang makansela ang klase habang nasa paaralan na.

"CLASSES IS SUSPENDED!" bago mo pa marinig tong announcement na to, mas mauuna mong marinig ang palakpakan ng mga katabing klasrum at mga nasa ibang floor.

Hanggang umabot na sa inyo ang balita at nakakabinging "YEAAAAAAAAAAAAAAAAAAH!!!!"

At dahil sa USTe ako nag-aral, e alam na kapag umulan ng malakas ng 3 oras na walang hinto.

Isama mo na ang paglusong sa baha. Oo kadiri at maaaring ikamatay yun, pero enjoy yun nung di pa uso ang arte sa katawan ng mga estudyante.

Pero nung na-Ondoy kami, eh di na ka-like-like yun.

p.s.
paki-english na lang pala to, english nga pala tanong mo. hihi

2 comments

  1. Namimiss ko yung mga bata pa kami naliligo kami sa ulan lahat kami tuwang tuwa sa bawar patak ng ulan :)

    ReplyDelete
  2. hehe ako man gusto ko ang ulan kung wala ka sa school at nakatambay ka lang sa bahay. =D

    ReplyDelete

© The GZT. | All rights reserved.
BLOG TEMPLATE HANDCRAFTED BY pipdig