12.5.12

Umaarawumuulantekamalamigpala

Ang british weather.

Kasing gulo ng pubes ng katabi mo sa jeep. Kasing labo ng lasing na kausap. Kasing undecided ng mga judges sa korte. Kasing sakit sa ulo ng suntukan nila Raymart at Tulfo. Kasing kainis ng drama ni Claudine. Kasing tigas ng T3 tulfo brothers.

Tirik man ang araw, pag humangin naman eh parang malalaglag ang panga mo sa ngatal. Pag mainit, uulan. Dito, natutunan ko na dapat seasonal ang damit mo. Magmumukha kang timang pa lumabas kang nakashades ng umaga dahil maaraw, dahil after ilang minuto, eh sakop na ng ulap pati kaluluwa mo.

Dapat rin ang suot mong jacket eh parang si Vilma Santos na pang for all seasons. Dapat pati pagulan ng apoy e kayanin.

Pero ang mga pinanganak na dito, kesehodang naka shortshorta habang kaming mga Pinoy e nagyeyelo na. Pati si "Junior" eh mapuputol na parang popsicle. Walang exagg. Wala munan pic nun.

Kaya netong isang araw papasok sa trabaho, maaraw nga pero daig pa lamig n baguio at tagaytay, at umulan pa ng maaga. Kaya suot ko an peborit jacket ko na pang winter, na maski umulan e tuyo pati underwear ko.

Sabi ni doc pagkakita sakin:"Isn't too hot for that jacket?"

Sabi ko sa utak ko: E kitamong lamig na lamig na kami sa Baguio at buong taon e nilalagnat kami sa init, masama bang lamigin?!

Pero sinabi ko na lang "yeah, thought it was gonna rain."

(eh bakit di ako nagbitbit ng payong?!)

Ayan tuloy dagdag promdi points ako. Oo sinisisi ko ang british weather.

2 comments

© The GZT. | All rights reserved.
BLOG TEMPLATE HANDCRAFTED BY pipdig