31.12.12

Good News: Mayans reveal 2013 schedule

Time: 1:50 PM London/ 9:50 PM Manila
31st December 2012, Monday.
10 degrees Celsius na malamig, maulap, makulimlim at mahangin na hapon.

Wala naman halos makakabasa neto dahil busy ang halos lahat ng friends ko at walang internet ang nanay ko.

Pero dito, chill lang ang mga tao. Literally at figuratively. Sa nakaraang lagpas 2 taon ko dito sa Essex, Inglatera, ganito lagi. Nagsasaya rin ang mga tao dito. Pero parang baliw ang buong Pilipinas pag kinumpara ang pagsasaya sa atin.

Walang bwisit na mga nagpapaputok sa pagputok pa lang ng umaga para manggising. Walang nagvivideoke ng tanghaling tapat. Walang nagpapausok ng malinamnam na barbeque at iba pang inihaw. Walang badtrip na signal ng cellphone na kung saan di ka makatawag o makasend ng pabati mo sa pamilya, tropa o sa 'baby' mo. Walang balita sa tv kung ilan na ang naputukan, naospital, at saan ang countdown party ng mga kapuso o kapamilya.




Mahirap ipaliwanag ang hirap ng isang buhay OFW. Overseas Filipino Worker. Malayo ang lahat. At ang mga kasama mo ay ang mga kapwa OFW mo rin na may samu't saring kwento at emo moments rin.

Pero mas mahirap kung ikaw ay isang OFW nars. Ang buhay nars, simpleng kinalimutan ang ibig sabihin ng "TGIF", 'weekend', 'holiday' atbp. Normal na araw. Normal na pasok. Magsimula man ng alas 7 ng umaga, matapos man ng 9 ng gabi ng walang kinakain, dere-deretcho man ng 3am maski hihikab-hikab na.

Daig pa ang motolite. Walang sinabi ang energizer bunny. Biased na kung biased. Oo marami dyan ang mas mahirap o mas toxic na trabaho. (Oo naging call center agent rin ako). Cheesy na pakinggan, pero buhay ng tao ang trabaho namin. Di biro yun. At bawal ka pang sumimangot.

Parang mamaya, tatapusin ko ang 2012, at sisimulan ko ang 2013 sa trabaho. Mga 3 beses na to nangyari sa akin. Isang beses noong bagito ako sa call center. Isang beses noong simula ng 2009 sa ospital sa pinas. At mamaya pagputok ng 2013.

Bakit parang nagrereklamo ako kamo? Oo pinili ko maging nars, isang ofw. Pero kung makakapili pa rin naman ako ng araw ng trabaho, gusto ko rin naman ang may oras para magsaya at magpasalamat kasama ang mga pamilya at tropa. Pero eto ako, basang-basa sa ulan  lumalaban sa hirap, at lalong tumitibay, patungo sa tagumpay. (Intro Alcoholic commercial).

Masarap isipin ang bawat pagtalon ko nung bata ako tuwing pagpatak ng 12:00 sa orasan para tumangkad. Ang pagsindi namin ng mga fountain at mga paputok, habang advanced pala relo namin ng 10 minutes, so wrong timing kami. Ang paglilinis ko ng ilong ko sa dumi at maitim na usok kinaumagahan. Ang pagkain ng masarap na handa na recycled minsan galing pasko. Ang maubos-ubos na hangin ko kakatorotot. Ang panonood sa langit ng mga fireworks na nagpapaliwanag sa gabing masaya.

Isa na namang araw, isa na namang gabi, isa na namang pasok sa trabaho. Mamaya, January 1, 2013 na. Bagong kalendaryo. Bagong simula.

Masarap magsimula bitbit ang bawat alaala sa byahe na kung saan papunta ay di ko pa alam.


Kung noong simula ng 2011 ang motto ko ay :
'Continue not making resolutions, life is short so just freakin' do it.'


Ang motto ko ngayong 2013 ay:
Delikado magpaputok sa loob.

'We survived 'the end of the world', there's no reason be not happy at all.'

Kaya eto na, 'mayans reveal 2013 schedule'. Magpa-book na. I-sked na yan. Pano kung nadelay pala sa 2013 ang 'end of the world?' Sayang naman kung puro 'sana' at 'sayang' ang sasabihin mo sa 'end of the year' chuchu mo di'ba? Make it count, make it happen.

Happy na, new year pa. Cheers to 2012, cheers to 2013!








3 comments

  1. Happy New Year , Reigun!! Ung mga iba kong friends na nars sa ospital din ang celebration nila. Mga badtrip din. Lol.

    ReplyDelete
  2. Happy NY din Chikletz! mabuhay mga friend mong nars. naway wag maginit mga ulo namin mamaya lols.

    ReplyDelete
  3. Happy 2013 din sa iyo parekoy!

    Mahirap talaga ang buhay ofw, malayo sa pamilya at mga mahal mo sa buhay. Pero I know naman na may ginhawang kapalit ang lahat ng paghihirap mong ito.

    Isipin mo na lang ang British Pounds!
    :D

    ReplyDelete

© The GZT. | All rights reserved.
BLOG TEMPLATE HANDCRAFTED BY pipdig