24.6.15

MORDOR MANILA CHAPTER 2: BINNAYSTERS

Ito ay pagpapatuloy ng unang Chapter ng seryeng Mordor Manila. Ang unang Chapter ay narito.

Ang nakaraan:
Eto ang Mordor Manila. Taon ay 2064. Mordor Manila pa rin ang sentro ng bansang Pilipinice (dating Pilipinas.)  Makapangyarihan si King-President. Kaya niyang magpautos ng snap Big Brother eviction night. Kaya niyang mamigay ng jacket ala-Willie. Kaya niyang dumaan sa lahat ng private subdivision. Kaya niyang maka-score ng 100 lagi sa videoke. Walang traffic signal para sa kanya. Swabe siya sa palasyo nya ngayon, ang MOA, kung saan ginawang Malakanyang Of Asia ang ngalan. 

Ganyan siya kalakas, hawak niya ang lahat. Kontrolado niya ang Pilipinice.

Nagsagawa na ng plano ang King-President. Sawa na siya sa mga naririnig na mga hinaing ng mga tao sa kanyang nasasakupan. Lalo na ang Mordor Manila na kung saan nakatayo ang kanyang Palasyo na MOA, o Malakanyang of Asia.

Sawang-sawa na rin siya na napapanood sa KNC, o KrisTV News Channel, ang mga paulit-ulit na balita tungkol sa bagong ka-labteam ng pamangkin ni Bimby, na siyang anak ng dating Senadora Kris, Mother of Dragons.

Tumawag si King-President sa kanyang Chief of Defense na naka-base sa PALA-WANG na si General Ho.

'Ano na, Ho?'

'Oo, si Ho 'to.'

'Oo nga, ako nga yung tumawag di'ba?...Ok. Alam mo na, Ho.'

Pala-Wang na ang tawag sa dating mas kilala na Palawan noong 2000s. Pero nung bandang 2027, hinayaan na lang magpasakop ang gubyerno ng Pilipinice dahil nakita ng mga politiko noon na maganda naman pala ang mga tinayo nilang mga mall at condo unit sa isla. Ito ay dahil sa pamumuno ni Minister Wang, ng 'Oplan Chinese Get Pilipinice Islands.'



Nagpasok ng maraming pera at lagay ito sa gubyerno, kaya naman bilang pasasalamat, ay pinalitan ang pangalan na PALA-WANG. Binigyan na rin ng dual citizenship ang mga residente ng Pala-Wang, at malago ang komersyo ng capital city neto na Puerto 168.

'Ano gusto mo King-Plesident? Ihaw o Hilaw?'

'Paki-deliver mo sa'ken yung ihaw. Pero wag yung sunog ok. Galit ako sa sunog, alam mo yan.'

Ganyan magpakuha ng inihaw na isda si King-President, fresh from Pala-Wang. Ganyan siya makapangyarihan. Umoorder sa isang Heneral.

Samantala, umalma na si Senate President Daniel Padilla. Gusto nyang isulong ang batas na palakasin ang signal ng Wi-Fi sa kanyang nasasakupan. Mula 3.0 Mbps, ay magpapanukala siya na ipasa ang dagdag pondo na 500 bilyong proyekto upang mapabilis ito ng 3.5 Mbps sa loob ng tatlong taon. Maganda ang mga sagot at reaksyion ng sambayanan.


'Tama yan! Para mapabilis ang pag-reply ko sa paborito kong artista!' sabi ng isang tambay.

'Matagal na dapat yan, sige para naman may pakinabang ang tax ko!' sabi ng isang guro.

'Ang tagal nating naghirap at naghintay neto, para naman ma-upload ko na yung sinaunang kanta at video ko noong kabatan ko, ang Twerk it Like Miley.' sabi ng maskuladong mama sa gym.

Hindi alam ng marami na lahat ng ito ay sang-ayon sa plano ng King-President ng Pilipinice. Ilang taon na siya sa pwesto sapagkat wala nang botohan ang mga namumuno sa bansa, kundi ay ipinapamana na lamang. Ang tawag ng ibang bansa ay 'Monarkiya', dito sa Pilipinice, ito ay 'Political Dynasty.' Sa loob ng 48 na taon, wala pa ring tumitinag sa pwesto ni King-President Binnayster.

Marami siyang ginto, marami siyang kakampi sa Tsina. Simple lang ang kanyang plano, kunin at ipunin ang lahat ng pondo ng bansa, upang makabili ng napakamahal at napakadalang na 'Fountain of Youth' na gawa ng mga siyentipiko mula sa Tsina. Kapalit ay limpak-limpak na halaga ng ginto, at ilang isla pa sa bandang Bisayas naman.

-----

Tumawag si King-President sa kanyang Chief of Defense na naka-base sa PALA-WANG na si General Ho.

'Ano na, Ho?'

'Oo, si Ho 'to.'

'Oo nga, ako nga yung tumawag di'ba?...Ok. Alam mo na, Ho.'

Pagtapos ng tawag, ay napangiti si King-President sabay titig sa telebisyon at inutusan ang alalay neto na patayin ang palabas. Sabay lagok ng isang malamig na bote ng beer, at sinabing:

'A Binnayster never pays his debts.

***

Abangan ang susunod na kabanata.

No comments

Post a Comment

© The GZT. | All rights reserved.
BLOG TEMPLATE HANDCRAFTED BY pipdig